Friday, March 14, 2014

Six

BLAG!

Ako: Shit. Ang sakit.

Madalas na senaryo yan sa jeep kapag bababa o sasakay ako. Ilang college students ba ang madalas nauuntog sa jeep? Ako na lang ata..

Minsan kasi nalipad ang isip ko kaya siguro ganoon, o talagang sadyang eng eng lang ako kaya iyan nangyayari.

Isang beses may jeep akong nasakyan, nung pag akyat ko nauntog ako, tapos nung pagbaba ko nauntog ulit ako. Tapos meron pa.. minsan isang byahe nagdalawang sakay ako ng jeep. May manong akong nakasabay bumaba sa unang jeep. Pagbaba namin nauntog ako. Tapos nakasabay ko siyang sumakay sa susunod na jeep. Pagakyat namin nauntog ulit ako. Sobrang sakit. Sobrang nakakahiya. Isang beses din nauntog ako tapos sakto may dalawa akong orgmate na nasa loob na ng jeep. Awtsu. Tapos sobrang lakas noon. Mangiyak ngiyak ako sa hiya at sakit.

Nakakatawa talaga kapag naaalala ko yung mga times na nauuntog ako, lalo na nung isang beses nauntog ako tapos napa “OH!!” yung ate sa dulo. Imba talaga nung expression niya. Eh, ako namang nasanay na e deretso baba na lang na parang walang nangyari.

Siguro nga kilala na ako ng ilang mga jeepney driver sa UPLB…


Yung ateng paCEAT na lagi na lang nauuntog.