Friday, March 14, 2014

Eight

Habang nagsestapler ako naalala ko na naman nung grade five ako nastapler ko yung hinlalaki ko. As in bumaon yung isang side ng staple wire. Yung hindi pambatang stapler a, yung dala ko pa noon ay yung malaki galing sa trabaho ng tatay ko. Sinasabi ko sa inyo may pagkaewan ako kaya kaya kong istapler ang sarili kong daliri.

Tapos tanda ko noon hinila ko lang yung staple wire na parang wala lang. Wow, brave!!

Mahapdi sya pero alam ko noon trip ko yung mga mahahapding pakiramdam.

Kaya nga kapag may nagdadala ng dalandan o dalanghita sa room trip kong pisiin ng pisiin yung balat. Tapos magluluha ako. Ang hapdi pero ang sarap kasi ng feeling after.



Hindi ko din alam kung bakit ko ito kinuwento.