Sunday, March 16, 2014

Fifteen

Punyeta naman talaga o.

Sige binabawi ko na.. uso pala ang hell week sa akin.

Shet naman kasi bakit ang daming gagawin? At bakit ko kailangang gumawa ng bahay? EE nga ang kinuha ko e.. lintek na yan.

Tapos uulitin ko pa. Icopy paste ko na lang daw. Shemay naman o nageffort na nga ako e. At ang tumal nung program. Sorry talaga pero naiinis ako. >_<

Nagsusungit na ako dito sa bahay, which is usual naman. Sanay na ang nanay at kapatid ko at chill lang sila. Ako naman ang naiinis kasi ang sungit ko. 

Pero buti na lang may mga boksingerong beki dito sa TV. Kahit papaano natawa ako ngayong araw.

Dipensu!! Dipensu!! Dipensu!!

Puro ganyan kasi ako nung mga nakaraang araw, nood lang ng Slam Dunk.. matatapos ko na nga.. at ngayon sinisingil na ako sa mga kawalanghiyaan ko. 

Tapos ang dami kong gagawin pero nagsulat pa din ako dito. HAHA ang galeng talaga ni Mabelly.