Friday, March 14, 2014

Seven

Lahat talaga gagawin ko para idelay ang pag-aaral eh, no?

Naandyan yung lilinisin ko yung side ko sa kwarto. Aayusin yung cabinet at table, pati yung kama, tapos yung bag, tapos magwawalis, itatapon yung basura, papalitan yung lalagyan ng basura. Tapos kapag maaga pa lilinisin ang kung ano man. Kanina nga naglinis ako ng speaker.. inuna ko pa iyon kaysa mag-aral ng Physics.

Tapos eto magbablog, o kaya magiinternet.

Tapos noon 8 or 9 na ng gabi. Saka pa lang ako mag-aaral. O diba maaga pa? Pero 2:30PM pa lang wala na akong klase kung anu ano pang pinaggagawa ko.

Expert na talaga ako sa pagprocrastinate. At pagcram.

Tapos mga alas dos na ako ng umaga matutulog.

Kapag may 7AM class ako. Hindi ko mapapasukan. Kapag nakapasok ako iidlip ako ng onti tapos hindi ko na mapapasukan yung next class ko.

Sobra na diba?

Ewan ko ba bakit ako tinatamad ngayon. Dahil ba malamig? Dahil ba patapos na ang sem? Dahil ba malapit na magbakasyon na pagkahabahaba?

Ahhh.. alam ko na kung bakit..

Tamad kasi talaga ako.





Hell week?! Walang hell week sa akin. Di uso iyon, di naman ako nag-aaral.