Tuesday, March 18, 2014

Seventeen

Lagi akong nakakalimot sa mga bilihan.

Kadalasan sukli, minsan yung binili ko naiwan ko.. tapos dati  nung elementary ako yung malaki kong portfolio.

Ngayong college medyo nabawasan kasi hindi na naman ako madalas nalabas. Buti na lang mababait yung mga tao. Nitong huli ay nagpunta akong KW&E tapos hinabol ako nung kuya kasi nakalimutan ko yung sukli ko.

Pero may times na hindi ko na nakukuha. Katulad nung nagbayad ako ng tuition fee hindi ko nakuha yung sukli kong P50 plus ata kasi lumayas na ako agad. Saka ko lang narealize nasa dorm na ako.

Yung malupet talaga e nung elem ako bumili ako ng apat na manila paper tapos nagbayad ako pero umalis lang ako hindi ko kinuha yung manila paper. Buti na lang malapit lang yung tindahan sa bahay at kilala na ako nung tindera. Madami na kasi silang karanasan sa akin. Ayun nakuha ko din naman. Sa kanila din yung bumili din ako tapos nilapag nila yung sukli ko hindi ko kinuha umalis na lang ako. Sa kanila din yung may dala akong malaking portfolio, yung uso kapag elem, tapos naiwan ko. Kung sa iba iyon ay yari ako kasi naandun pa man din yung mga libro ko.


Ewan ko ba lagi akong lutang. Ang alam ko kasi kapag nangyayari ang mga ganito e may iniisip akong importanteng gagawin. Kaya madalas gusto ko na agad umuwi at nawawala sa isip kong nasa bilihan ako. HAHA parang adik lang e.