Friday, March 14, 2014

Ten

Naisip ko paano kung hindi na ako mag-asawa at mag ampon na lang ako?

Naglalaro kasi ako ng The Sims 3. Tapos gumawa ako ng Sim version ko tapos mag-isa lang ako sa bahay na ginawa ko. Kapag ganoon ay tinatamad akong maghanap ng aasawahin kasi kakausapin pa yon, flirt flirt and shit. E kadalasan ng gwapo dun sa may paligid wala namang trabaho. Ayoko ng ganoon. Tapos kapag nakahanap na ako ng partner ay magbubuntis yung Sim ko kasi babae siya. Hindi siya makakapasok ng trabaho. Aalagaan niya yung bata na ang kulit kasi gusto laging kakausapin, papakainin, tapos papalitan ng diaper and shit.

Ang hassle.

Kaya nagadopt na ako ng child. As in child na para hindi ko na babantayan. Siya pa nga pinaghuhugas ko ng plato and stuff.

Paano kung ganito na lang din gawin ko?

Kaso pakiramdam ko kapag ginawa ko iyon ay hindi nga ako pagod pero hindi naman ako masaya. Tapos magpapalaki pa din ako ng bata tapos walang tatay.

Hindi naman kasi pwedeng maghahanap ako ng aasawahin tapos sasabihin ko ayaw kong magbuntis. Edi binatbat ako non. At saka pati pag-aasawa medyo pinagaalangan ko na ngayon. Sa tingin ko ay hindi ko kaya yung may tao akong papakisamahan ng pangmatagalan.

Ano ba yan kung anu ano pinag-iisip ko.



Maglalaro na nga lang uli ako.