Saturday, March 15, 2014

Thirteen

Gusto mo ba manligaw? Aba, e sa akin madali lang ang panliligaw!

Ewan ko ba ang tanda ko na hindi pa din ako matandain sa lugar.

Yung apartment ng batchmate ko sa org ilang beses na namin yung pinupuntahan, especially nung process, hindi ko pa din matandaan kung paano pumunta. Nakikitulog pa nga ako dun tapos hindi ko alam. Kailangan may kasabay ako palagi.

Yung bahay ng pinsan ko na madalas kong puntahan dati e aba ilang buwan lang nakalipas nakalimutan ko na kung paano puntahan.

Hindi talaga ako maalam sa mga lugar. Mawawala ako agad. Mapaiba nga lang ng ruta o sasakyan nalilito na ako. UPLB hindi ko pa nalilibot. Yung mga parteng taas at loob ng campus hindi ko pa napupuntahan huhu. Lalo na kapag umoorder ako ng tshirt sa mga nakapost lang sa mga bulletins kung saan saan sila nagpapabayad ng down payment hindi ko alam kung saan. Shet nakakahiya daig pa ata ako ng NF.


Kaya kung gusto mo talaga manligaw.. I’m the perfect one for you <3.