Friday, March 14, 2014

Twelve

“Amabelle, para kang laging may sipon.”

Hindi ko sure kung ganyan talaga iyong pagkakasabi ni Izack noon.. pero parang ganyan na din.

Simula elem yung boses ko nag iba.. tapos ayun nga parang laging may sipon. Ngongo.

Parang may problema yata yung ilong ko e. Madalas din naman akong may sipon noon. Pero noong sinabi ni Izack yan ilang buwan na yata akong hindi nagkakasipon. Hindi ko na alam kung saan niya napulot iyan pero baka nga may problema ako sa ilong.

Kaya siguro ako naghihilik at nakanganga matulog. Napanood ko sa TV isang dahilan daw noon ay nahihirapan yung tao huminga at baka may problema siya sa daluyan ng hangin. Daluyan ng hangin ang ilong. Baka may problema ako sa ilong.

Speaking of ilong, proud ako sa ilong ko. Oy, matangos iyan haha. Mana ako sa tatay ko. Kahit sa tingin ko hindi feminine at least matangos haha. Kaya siguro ako hindi makahinga at parang ngongo kasi maliit na yung daluyan ng hangin kasi nga matangos.



Shit ang kapal ko. Pero syempre joke lang iyon.