Monday, April 21, 2014

Twenty Eight

Si Mamams ay mabait, maganda, masayahin, at masungit.

Yung boses niya ay kadalasang matinis, tapos parang laging galit. Pero mahilig din siyang manjoke sa ganung boses kaya minsan hindi ko na ba alam kung joke time pa ba o hindi na.

Mahilig siyang magFacebook at magFarmville. Mahilig din siyang maglaba. Medyo OC siya at clean freak kaya naman madalas talaga siyang maglinis.




Si Mamams ay masarap kausap, kaso minsan tinutulugan niya na ako. Madrama si Mamams kaya naman madalas ko ibahin usapan kapag madrama na siya. Ayaw niya pala ng ganun pinagalitan niya ako isang beses.

Sa tuwing uuwi ako ng bahay andami kong kwento sa kanya. Tapos madalas naming pagtripan yung kapatid ko kaya ayun tawa ako ng tawa. 


Madami na talaga akong kasalanan kay mama pero every time naman ay pinagsisihan ko at sinusubukan kong magbago. Mainitin kasi ang ulo niya kaya madalas akong pagalitan, pero kahit pa ganoon ay mahal na mahal ko iyan. Kaya naman bawal awayin ang nanay ko ng kahit sino, ako lang.. joke only XD.

Sobrang nagpapasalamat ako na si Mamams ang naging nanay ko. Bibigyan ka niya ng tamang dose ng pagmamahal, walang labis at wala din namang kulang. Supportive siya sa aming magkapatid at may matinding pang unawa.




Si Mamams ay forty nine na nung nagbirthday siya nung April 19. Lagi kong sinasabi sa kanya na mukha pa siyang bata. Totoo naman yun para sa akin, hindi ko naman siya binobola. Kaso palagi kong iniisip yung madalas na pananakit ng katawan niya, at syempre yung totoong edad niya. 




Sa totoo lang kapag nagdadasal ako ang una palagi ay yung pahabain ng todo ang buhay ng nanay at tatay ko. Ewan, feeling ko kasi hindi ko kakayanin kapag nawala sila. Kapag nagbibirthday sila sa totoo lang nalulungkot ako. Kaya kapag may party pag birthday nila tagahugas lang ako at hindi ako nakikijoin.

Pero syempre masaya na din ako kasi masaya siya at siyempre kasi maraming pagkain nyahaha. 

Ang mga magulang ko ang number one inspiration ko at sa palagay ko deserve nila ang lahat ng magagandang bagay sa mundo. 

Happy birthday Mamams at saka na lang ang regalo ko kapag may trabaho na ako. Bakit ba kasi bakasyon ang birthday mo? Madalas wala akong pera. XD