Wednesday, April 16, 2014

Twenty Six

Hindi ko na naipush ang aking pagsasummer class. May chance naman dapat ako kahit na hindi ako pinalad sa online registration. May slot ako sa ES21 kaso hindi ko naconfirm dahil na din sa tinamad akong hintayin ang results at sa pagkasabik ko na ding umuwi ng bahay.

Kaya eto, apat na buwan ang bakasyon ko.

Sa una siguro ay masaya ngunit alam kong dadating ang panahon kung saan manghihina ako sa pagkabato. Well, andiyan palagi ang pagkain pero syempre naman may hangganan ang bituka ko.

Madami din naman akong dapat gawin actually pero nagpapakasaya muna ako una dahil umuwi ang tatay ko. Isang buwan lang naman siya dito kaya lulubosin ko na.

Bumili kami ng hamsters nung isang araw. Tig isa kami ng kapatid ko. Yung akin ay lalaki at pinangalanan kong Oxnard. Nung nasa store pa lang kasi napansin ko na siya kasi ang cute niya at naalala ko talaga si Oxnard sa kanya (yung character sa Hamtaro). Yung sa kapatid ko ay yung babae at hanggang ngayon di pa rin siya makapagdecide kung ano ang ipapangalan.

video
(patawarin po sana sa audio.. pakimute na lang XD)

Sila lang ang madalas kong pagkaabalahan. Kukulitin at kakausapin. Pinagtatawanan na nga ako dito sa bahay. Maarte si Oxnard kaya kapag winuwuchuk ko (kinikiliti yung tiyan) nagugulat siya at nalayo. Mahilig silang kumain dalawa at madalas nakapikit pa habang nakain. Mukhang ewan lang e.

Nagaadik din ako ngayon sa Zombie Tsunami. Tuwang tuwa lang kasi ako dun sa background music at sa tawa nung mga zombies. Ang cute pa nila sa Quarterback na bonus.

In short, tambay pa talaga ako ngayon.