Monday, April 7, 2014

Twenty Three

Paano ko ba ikukwento ang sem na ito?

Marami akong nakilalang bago at naexperience na bago dahil sumali ako ng organization. Naguluhan ako sa mga personal decisions ko. Mas lalong naleche ang acads ko. Andami kong naging crush. At syempre.. ngayong sem ko naranasan ang first heartbreak ko ngayong college.

Sa isang word.. bittersweet? Pwede? Ewan. Parang bitter lang.

This sem ko narealize na napakagulo kong tao. Napagtanto kong naliligaw ako at hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Ilang beses ko nang sinabi na aayusin ko ang utak ko pero hanggang ngayon hindi ko magawa. Lost ang peg ko.. may mapa naman ako pero since wala akong focus at determination lagi akong nasasidetrack. Pakshet lang.

Ano ba? Hmm.. Siguro gusto ko lang maging masaya? At siguro ngayong sem ay trial stage pa lang. Syempre when there is happiness, there is peace. Sabi ko noon sa isang tao gusto kong maghanap ng kapayapaan. Hindi ko naman inakalang may mga pagdadaanan pa akong echos bago marating yon. At gaya nga ng sabi ko mukhang naliligaw pa yata ako. Shemay naman o, akala ko one way only.

Pero napansin ko na kahit ano pang shizz ang pagdaanan at maramdaman ko, buhay pa din naman ako syempre, at dahil buhay ako kailangan kong maging matapang at harapin lahat ng mga pinaggagagawa ko.. masama man o mabuti. At kahit anong pagkabullshit pa yan at the end of the day may matutununan ako na it’s either “shet dapat hindi ko ito ginawa” or “shet ganoon lang pala dapat ginagawa iyon”.

Isa pa. Naisip kong magiging magaan ang lahat kung pipiliin ko ang mga bagay kung saan mas masaya ako. Kailangan din ng positivity sa buhay at kung wala ka talagang makitang kasiya siya sa ginagawa mo ay panahon na para pag-isipan kung itutuloy pa ba yan o hindi. Kasi dadating ang araw kung saan ikaw na lang ang magmamatter, kung saan maiisip mong punyeta lahat ng tao bakit ka ba nagpapaapekto sa kanila – kamatayan, dude. Mas masarap mamatay ng alam mong naging masaya ka.

So.. ngayon ang goal ko lang ay happiness.

Big word yan pre.

It could mean a whole lot of different things.

Pero susubukan ko ang lahat para maabot yan.



Mwehehehehe.