Thursday, May 22, 2014

Bottled Water

Nais kong ikwento ang isang makabagbag damdaming karanasan ko.

Nagsimula ito noong matipuhan naming magkakaibigan na manuod ng sine. Bumili kami ng ticket, pagkain at inumin. Ilang sandali pa ay pumasok na kami sa loob at nagsimula na din ang pelikula.

Sa pagkakatanda ko ay action packed ang palabas kung kaya naman lutang ako. Habang nakain ng popcorn na pinagsasaluhan naming magkakaibigan, nakaramdam ako ng uhaw. Agad ko namang kinuha ang bottled water sa beverage holder ng upuan. Binuksan ko ito at uminom. 

Sa pangalawang beses kong pag inom ng tubig naramdaman kong nakatingin sa akin ang mamang nasa tabi ko. Isang pamilya sila na magkakatabing nakaupo. Hindi ko naman siya gaanong pinansin dahil na din sa absorbed ako sa pelikula.

"Mabs o, tubig mo.." abot sa akin ng kaibigan ko.

Nabigla ako sa sinabi niya. Nasa akin na yung tubig ko. Nakainom na nga ako. Ngunit nakita ko din na galing sa plastic bag namin yung boteng iniaabot niya.

Shet.

Hindi akin yung ininuman kong bottled water.

Ilang sandali pa't napansin ko ding wala na yung bote sa beverage holder ng upuan ko. Kinuha na siguro nung manong na katabi ko.

Hanggang ngayon hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa pangyayari. Matagal na ito ngunit ngayon ko na lang naisipan na ikwento talaga. Si mama ang una kong sinabihan nito at sabi niya "Ang kapal mo, ikaw pa nagbukas."