Tuesday, May 13, 2014

Heyo

Ayaw ko ang pakiramdam na sinisisi. Ayaw ko din kapag lahat ng sinabi ko ay ibinabalik din uli sa akin. Madali akong masaktan sa mga salita ng tao pero magaling akong magtago. Mabilis din naman ako magpatawad pero hindi ako nakakalimot.

Madalas sabihin ng iba, maging ako din ganito ang mga payo, na kapag sinaktan ka ng isang tao ay huwag mo na lang pansinin. Pero kung talagang nasaktan ka diba mahirap gawin iyon? Ang maganda, huwag mong pansinin ang sarili mo, kasi kapag iyon ang ginawa mo wala kang mararamdaman.. hindi ka magagalit o malulungkot, pero syempre hindi ka din makakaramdam ng kasiyahan.

Pinili/Pinipilit ko din naman na hindi maging emosyonal na tao. Madalas kasing kwento sa akin iyakin daw ako nung bata. Kapag inaasar tuloy nila ako e mas lalo kong gustong patunayan na hindi na ako iyakin. Tumindi  ‘to nung nagkaroon ako ng kapatid. Tapos lalo na nung nag abroad si Papa. Kung magiging iyakin at malungkutin kasi ako, paano na si mama at si Lysa? Kailangan din naman kasi ng  nanay ko ng karamay sa mga problema niya lalo pa’t siya na lang ang naiwan sa amin. Ako ang panganay at walang lalaki sa bahay kaya parang kailangan ko din na maging strong haha. Habang natanda ako sa tingin ko mas lalo akong nawawalan ng ganang magkaemosyon. Kapag ganoon kasi e mas madaling mabuhay. Mababaw ang lahat ng ugnayan at maiiwasan kang masaktan ng iba.

Bakit ko ba ito sinasabi?

Napansin ko kasi na kahit sa palagay ko ay okay lang ang ganitong pananaw ay hindi pala talaga haha. Kapag itinago mo ang mga emosyon mo, kahit gaano ka pa kagaling magdala, ay dadating ang araw na hindi mo din kakayanin. Lalabas sila paunti unti, hanggang sa hindi mo na mamalayang hindi mo na pala kayang pigilan. 

Mas intense yung feels. Maganda kung positive, e paano kung negative feelings? Mas masakit yon pre..


Wala lang arte ko lang to.