Tuesday, July 1, 2014

Letters

Nabasa ko sa dati kong blog itong mga sulat na ito. Kakaiba lang sa feeling na basahin uli. At nagkataon pang para sa dalawang J. Pareho ko silang kaibigan at pareho ko silang hindi na masyadong nakakausap ngayon. Yung isa nga yata ay galit pa sa akin. FYI nakamove on na ako kay second J, actually nagkaroon pa ng phase kung saan kinamuhian ko siya. Pero ngayon tanggap ko na din talaga at masaya na din naman ako. Buti na lang talaga at hindi ako naglakas ng loob magsabi.
Dear J,
Hello! Kamusta ka na?
Oo, alam ko namang okay ka.. pero higit pa doon ang gusto kong malaman. Ano na bang pinagkakaabalahan mo? Kamusta ang acads, kaya pa ba? Bagong movies? Bagong bands? Bagong libro? Saan na ba masarap kumain ngayon? Nakakalungkot lang kasi ang lapit lapit mo sa akin hindi ko magawang tanungin yan sa iyo ng diretso. May contact ako sa iyo pero ni isang mensahe hindi ko maibigay. Kasi nga mapride ako. At kahit namimiss na kita, kahit namimiss ko na yung usapan natin na sa kahit saan saan lang napunta, kahit namimiss ko na yung mga panahon na palagi tayong magkasama.. wala pa rin akong ginagawa. Wala naman talagang problema sa pagitan nating dalawa, pero maraming nagbago, at nararamdaman mo din naman siguro iyon. Dahil na din doon medyo nalayo ang loob ko sa iyo. May kasalanan din naman ako, isa na siguro doon ay yung nagkaroon ako ng boyfriend. Pero iba ka pa din talaga e. Ang tagal na kasi nating magkasama at magkakilala. Hanggang ngayon parang pakiramdam ko may kulang sa akin araw-araw. Daig pa ito ng naramdaman ko nung nakipagbreak ako sa boyfriend ko. Sa totoo nga lang mas namimiss kita kaysa sa kanya. Kahit naman anong iyak ko habang sinusulat ko ito wala namang magbabago kasi paano mo naman mababasa ito. Gusto ko lang kasing ilabas kasi hindi ko maamin na gusto ko na talagang ibalik yung dati nating samahan. Tuwing naguusap tayo ipinapakita kong wala lang nangyari  at okay lang ako. Pero hindi talaga e. Miss na miss na kita. 
Mabel
Dear J,

Ikaw ay nakilala ko ngayong college. Matalino, matangkad, maputi, maganda ang mata. Type na type talaga kita. 
Alam kong may kayabangan ka ng onti pero kebs lang. 
Lagi kitang nakikita at nakakausap. Kaya din siguro ako nagkagusto sa iyo. 
Okay naman tayo at feeling ko wala kang ideya. 
Magaling din naman kasi ako magtago. 
Kapag kinakausap kita, syempre deep inside medyo kinikilig.. pero sa sobrang galing ko e neutral lang palagi ang face ko. Hindi din ako ang madalas mangausap a.. ikaw. Hindi ko alam pero sobrang takot akong malaman mo. Una kasi naeenjoy kong komportable ka sa akin. 'Pre'zoned man ay okay na din kasi mas lalo kitang nakilala. Kaya kahit gustong gusto kitang kausapin palagi.. pinipigilan ko. Ayaw kong gumawa ng kahit anong magmumukhang obvious na may gusto ako sa iyo.
Mabait ka naman sa akin.. 
Kaso malabo talaga na madevelop. 
Una kasi hindi tayo bagay... sa maraming aspeto. Sa acads sobrang galing mo. Physically mukhang sablay din. Baka pag nagsama tayo ay magmukha lang akong kapatid mo or something. Out of my league talaga ang peg mo. 
Mayaman ka pa. Talented din.
  
Ang hirap din magkagusto sa mga kagaya mo e. Minsan mapapaisip kang 'Sobrang ambisyosa ko naman'. Masakit kasi lalabas lahat ng insecurities. 
Hindi naman ako umaasa na may mangyayari talaga dito sa paghanga ko.. pero syempre open pa din sa possibilities.
Tsaka minsan kahit feeling ko delusional.. may times talaga na pwede akong magassume. Pero I know better than to dwell on that feelings kaya lagi kong iniisip na they do not count. Saka na lang siguro kapag explicit na talaga yung intentions.
May nagpayo sa akin na sabihin ko sa iyo. Kasi baka doon magsimula.
Nahihiya ako e. At ayaw ko din namang isipin mong nilalandi kita. Tough girl ang front ko ngayong college e. Baka masira ang image ko haha.
Hahayaan na lang kita. Kahit pa medyo masakit, oo aaminin ko na. Madalas ko man sabihing wala lang sa akin ay syempre medyo nakakalungkot pa din. Basta eenjoyin ko na lang. 
Mabel