Saturday, July 19, 2014

May mga pagkakataon talaga kung saan pinapaalala sa atin na hindi lahat ng bagay ay permanente. Tuluyan na ngang nasira ang Acer kong laptop. Nagtataka ako ngayon kung bakit hindi pa ako gumagawa ng paraan para irecover ang mga laman nun. Tinanggap ko na lang talaga at sinabing "okay". Ganoon lamang naman ang buhay. May mawawala pero meron din namang dadating uli na bago. Hindi ko naman sinasabing bibilhan na ako agad ng laptop. Siguro in time, kasi kailangan ko naman talaga. In general na yun. Kahit din naman sa ibang bagay ay maiaaply yon. At sabi nga nila, nothing endures but change. Kailangan na lang tanggapin ang realidad na iyon kung hindi ay mahihirapan kang intindihin ang buhay. Sabi din sa The Perks of Being a Wallflower, "Things change. And friends leave. Life doesn't stop for anybody". Naisip ko dati para yun sa mga taong hindi sentimental at hindi clingy. Ngayon naman narealize ko kung gaano kaimportante ang quote na iyan. Yung huling part kasi ang pinakamabigat sa lahat: Life doesn't stop for anybody. Totoo naman kasi. Kahit anong drama mong "tumigil ang mundo ko" e walang ganon. One way lang naman kasi tayo ngayon, puro forward.

Gusto ko lang talagang ibalitang deds na laptop ko pero kung anu-ano pa sinabi ko. Sabagay madrama naman talaga akong tao.