Tuesday, February 17, 2015

Post Valentine Feels

Dalawa na ang nagtanong sa akin kung anong surpresa sa akin ni Allen nung Valentine's Day. Dalawang beses ko na ding sinabing "Sikret", sabay ngiti.

Paninindigan ko yun.

Tatlong araw nagtagal ang selebrasyon namin at sa tatlong araw na iyon ay lubusan akong naging maligaya. Walang flowers, o bears, o cheesy na mga bagay. Alam naman niya kasing ayaw ko ng ganoon. Hindi sa nag iinarte lang ako. Ayoko talaga. At masaya ako na hindi na niya ginawa.

Sa tatlong araw napalapit pa ako kay Allen, at sa tingin ko tunay ngang siya pa lamang ang nakapagpasaya sa akin ng ganito. Hindi man kami 'showy' gaya ng iba, at hindi man kami talaga dahil nga bawal ako sabi ng nanay ko, espesyal talaga si Allen para sa akin.



Ano ba talaga kami?

No comment.

Feeling artista?


Kahit naman anong sabihin ko wala namang magbabago lalo na sa opinyon ng mga taong hindi naman kayang umintindi at puro na lang puna. Kung sa tingin nila ay may maidudulot na kung ano man ang pag- alam nila tungkol sa amin, bahala sila. Hindi ako magsasayang ng panahon magpaliwanag sa mga taong hindi marunong makiramdam na ayaw ko ngang pag-usapan ang mga ganoong bagay. Kahit anong comment niyo wala kayong makukuha sa akin.