Tuesday, October 6, 2015

Putang ina.

Para akong batang gusto ng masayang buhay pero hindi ko naman makuha. Lahat ng inputs ko saktuhan lang ang nagiging resulta. Sobrang nakakafrustrate lang at nakakalungkot sa tuwing nalalaman kong kulang na naman. Kulang na lang palagi.

Minsan naiisip ko, I need a good cry.

Hindi na ako nasisiyahang makipagkaibigan. Wala pa rin akong ganang mag-aral. Hindi ko na nakakausap ang pamilya ko. Gusto ko na kumita ng pera. Ayaw ko na magtrabaho abroad ang tatay ko pero hindi ko alam kung gagraduate ako on time. Puro na lang problema. Sa mga sandaling tahimik ang paligid saka lamang nawawala sa isip kong may mali sa buhay ko. Madalas iyon. Yun na din ang dahilan kung bakit walang nagbabago.


Alam ko na.

Kailangan ko lang magsimula.

Nagawa ko nang magplano at magsulat araw-araw ng gagawin ko pero hindi naman naging sapat yun. Kaya ngayon.. kung kailangan mag-aral edi mag-aaral. Kung may gusto, ‘edi gawin. Masakit sa damdamin na ikumpara ang sarili sa iba at lalong hindi maiiwasan ang magpaapekto sa sasabihin ng ibang tao. ‘Edi masaktan at magpaapekto. Kung nakakaiyak ‘edi umiyak. Kailangan nang tanggapin ko na hindi ako perpekto at lalong hindi ko kayang magbago overnight. Hindi din ako makakuha ng magandang resulta kung iisipin kong tapos na ang lahat sa tuwing may masamang nangyayari.

Nilalabas ko ngayon ang sama ng loob ko: sa kagustuhan kong magexcel sa maraming bagay, sa pagsisisi kong sumali ako ng SELES, sa pagtatanong kung bakit ba ako nagUP, sa lahat ng kahinaan ko, sa walang hiyang pagpoprocrastinate at katamaran, sa pagmamadali, sa lahat ng bad decisions, sa lahat ng strangers, mapanghusga, at pakialemerong tao na nagpalungkot at nagpakaba sa akin, sa hindi ko pa rin makita (na nakakaleche na) na 'peace of mind'...

Mahahanap din kita.