Tuesday, January 12, 2016


Suportado ng kapatid ko ang adiksyon ko sa EXO. Sponsored pa nga. Paano ba naman hinawaan niya ako. Kailangan may picture kasi birthday ngayon ng bias kong si Kyungsoo. Nako, umaapaw ang squishiness. 

Bukas pwede na mag-enlist sa SystemOne. PE na lang naman ang itatry ko, sana mabilis.

Parang kailan lang kabado pa ako kung may ibabagsak ako tapos ayan na naman ang kasunod na sem. May mga nangyari naman sa akin ngayong bakasyon at sa tingin ko naman ay hindi ako nabitin. Pero ayaw ko pa rin pumasok. 

Hay. Pano ako magtatop sa board nyan. HAHA. Charot lang. Susme, delayed na nga yata ako nag iilusyon pa ako. Nagdadalawang isip akong pilitin at mag-overload kasi baka lalong sumama ang mga pangyayari. Buti tanggap ng parents ko. Pero kahit pa...